RATED R
ni Rommel Gonzales
BIDA si Enzo Pineda sa bagong pelikulang DOK na gumaganap siya bilang isang doctor na may inang dinapuan ng severe COVID.
Ang DOK ay produced ng Donya Productions ni Atty. Maria Angelica de Ramos na siya ring direktor ng pelikula sa kanyang unang venture into film directing and producing. Ito ay base sa mga tunay na pangyayari sa buhay ni Atty. Angie at ng kanyang anak na doctor.
“Ako po I’m just really thankful na ‘yung son ni Atty. Angie, si Doc Anthony, the real DOK, was there all throughout the film so I’m very blessed kasi hindi naman po ako nag-aral ng pagiging doktor pero I had the opportunity to somehow learn and feel what it’s like to be a doctor,” ani Enzo.
Unang beses ni Enzo na gumanap bilang doctor sa pelikula.
“Siyempre ako naman po bilang artista gusto ko naman na accurate ‘yung pag-portray ko kasi siyempre kailangan nating iangat ‘yung quality ng Filipino films.
“Kailangan ‘pag doktor ka kailangan lahat ng galaw mo, kilos, sinasabi mo, ay tama?” sambit pa ni Enzo.
Bukod kay Enzo bida rin sa pelikula si Mickey Ferriols.
Ipalalabas ngayong Miyerkoles, April 6, ang DOK at ito ang pinakaunang Filipino film na mapapanood sa mga sinehan ngayong 2022.
“Ako po I feel very lucky just to be working. Isa po ito sa mga pelikulang unang tinanggap ko, isa po ito sa mga unang trabaho ko during the pandemic, of course it was difficult for all of us kasi we have to leave our families, may COVID, pero we felt that ito pong istorya na ‘to kailangan po naming i-shoot at ipakita po sa taumbayan kasi very inspiring po ang film na ‘to,” anang aktor.
Tampok din sa pelikula sina LM Mercado, Sawera Akhtar, Aryan Akhtar, Potchi Angeles, Nics Orense, Carl Acosta, Johnessa Belen, Sylvia Manansala, Charles Anoyo, Christian Villanueva, Celine Castillo, Rey Mark Claret, Jake Piedad, Kyle Almenanza, Monica Bianca, Sheryl Surara, Shobee de Vera, Jigzer Narag, Lanze Galope, at Rob Sy.
Introducing naman sa pelikula si Maria de Ramos at may special appearance si Dr. Anthony Philip Villalon.