šš¼ššæ šš¼šš
š£š ššš”šš§ ššš©šš¤
NITONG pandemya nakita ang mga taong hindi napigilan para ang pagiging matulungin ay maipagpatuloy sa kapwa.
Isa na riyan ang kinikilala bilang Lord of Scents, na si Joel Cruz.
Na sa mula’t mula, dahil na rin sa mga hinarap na hamon ng buhay ay naging misyon na ang pagtulong sa kapwa.
Matapos maitatag ang negosyong naglagay sa kanya sa rurok bilang isang perfumer, sa Aficionado, sumige pa rin ito sa pagsisimula ng iba pang magiging dahilan para gumising sa araw-araw ang mga kinuha niyang empleado.
“Let’s face it, depending sa kumbaga, changing of the seasons and the times, may adjustments din. Ang isang negosyo eh, kaakibat ang mga risk. May panalo. May talo. Pero hindi naman tayo dapat na magpatalo.”
So, binuksan ni Joel ang kanyang Takoyatea in the heart of Manila.
Nakaka-ilang buwan pa lang eh, tinamaan na ito at ang lahat ng pandemya. Sumuko ba si Joel? Nope!
In fact, para maibahagi ang magandang layunin ng kanyang mga negosyo ay binuksan na rin niya ito for dealership gaya sa kanyang Aficionado.
Sa halagang P5,888, isa ka nang dealer ng naturang negosyo ni Joel kasama na ang initial Takoyaki and Milk Tea Inventory, Product and Operations Training at Marketing Collaterals.
Noon pa man, sunod sa kanyang mga mahal sa buhay, mga tao talaga ang binibigyang-pansin ni Joel.
Nang magka-pandemya, lubos ang pag-aalaga niya sa mga taong patuloy ding inalagaan ang kanilang negosyo. Pumapasok para sa deliveries. At ang malalayo ang tahanan ay pinanahan niya sa isang lugar na pwede nilang pamalagian.
Bukod sa pagkuha lang sa dealers para sa kanyang negosyo, sinisiguro rin ni Joel na magiging maalaga rin sa kanilang mga tauhan ang magpapalaganap ng negosyo. Hindi lang naman kasi pera ang ipinupuhunan sa isang negosyo kundi pangangalaga sa mga taong mag-aalaga rito.
Ang Takoyatea By Joel Cruz packages ay Silver (P10,888 ), Gold (P20,888), at Platinum (P40, 888).
Sa mga interesadong maging bahagi ng isang mabiyayang negosyo ang mga tatawagan ay ang mga numerong 0949ā992-9475, 0949-889-4268,0949-992-9471,0949-889-4264 at 0998-848-4703.
Iba ang ngiti ng isang Joel kapag ang mga dealer na nagsimula na sa kanilang kinuhang packages ay nagpapasalamat sa pagpapakilala sa kanila ni Joel dito.
Naiikot na ni Joel ang buong bansa. Dahil siya mismo ang nagbubukas ng mga puwesto ng mga bagong dealers nila.
Kung magagawi naman kayo sa Baguio, a little trivia sa mga tagahanga ng The Broken Marriage Vow.
Ang tahanan o mansion ng pamilya ng other woman ni David Ilustre (Zanjoe Marudo) na si Lexi (Sue Ramirez) ay ang White House ng Lord of Scents na si Joel.
Nagiging pasyalan na nga ito ngayon. Dahil marami ang gusto magpa-selfie kahit sa facade lang ng mansion.
Big help pa ‘yan sa Tourism. Tama?