𝙃𝘼𝙍𝘿 𝙏𝘼𝙇𝙆
𝙣𝙞 𝙋𝙞𝙡𝙖𝙧 𝙈𝙖𝙩𝙚𝙤
MAY gustong idagdag ang artistang si Christian Vasquez hinggil sa pahayag sa tanong sa kanya kung minsan na bang dumaaan sa mga palad nila (ng mga kasama niya sa pelikulang The Buy-Bust Queen na sina Phoebe Walker at Jeric Raval) ang droga?
Ani Christian, “Ang closest encounter ko was when I was in high school. May kilala ako na nag-drugs. Pero ngayon, pumanaw na pero hindi dahil pinatay siya, something like that.”
Loud and clear.
Mapapanood na ang pelikulang pinagbibidahan ni Phoebe na idinirehe ni JR Olinares.
Ang nasabing proyekto ay bilang pagbibigay-pugay sa mga kababaihang nagbubuwis ng buhay at maraming isinasakripisyo alang-alang sa pagtupad sa misyon ng PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) na pinamumunuan ngayon ni Director General Wilkins Villanueva.
Malaki ang pasasalamat ni Villanueva kay Direk JR dahil sa pagpupursige na maisalin ang istorya ng mga buhay ng kababaihan ng PDEA.
Sa pelikula, kitang-kita ang pagiging comic ni Christian sa mga eksena nitong sexy.