Tuesday , January 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mike Enriquez gagawa ng paraan para makatulong sa mga nagda-dialysis

SA naging karanasan ni GMA News pillar Mike Enriquez sa sakit sa bato o kidney, nakita niya ang hirap ng mga tao na may katulad ng karamdaman niya lalo na ang mga kapos sa pinansiyal.

Kaya naman inihayag ng batikang broadcaster ang hangarin niyang tumulong sa iba ngayong nalampasan na niya ang pagsubok makaraang sumailalim sa kidney transplant.

“‘Pag pinagdaanan mo ‘yung pinagdaanan ko, mare-realize mo how good God was to me, and how I should… pay it forward,” ayon kay Mike.

Bago sumailalim sa operasyon, sinabi ni Mike na tatlo hanggang apat na beses siyang nagpa-dialysis sa loob ng isang linggo.
Matapos ang operasyon, masayang sinabi ni Mike na hindi na niya kailangang gawin muli ang pagpapa-dialysis.

Ayon kay Mike, mas mahirap ang pinagdaraanan ng mga may sakit sa bato na walang sapat na pera para tustusan ang kanilang pagpapagamot.

“Maraming Filipino na walang kalaban-laban simply because wala silang pera,” saad niya.

“It breaks my heart when people come to me asking for help. It breaks my heart to know about dialysis patients, ‘yung mga nangingitim. Kaya nangingitim ‘yun kasi underdialyzed. Kulang sa dialysis. Bakit sila underdialyzed? Kasi walang pera,” patuloy niya.

Ayon kay Mike, mayroon siyang mga kaibigan na transplant patients din na nagpaplanong bumuo ng organisasyon para tulungan ang mga kapuspalad na may problema sa bato.

“So I will be meeting with our group and figure out ways and means of helping our brothers and sisters who need dialysis, who need kidney procedures but cannot have it because they cannot afford it,” sabi ng veteran broadcaster.

Disyembre noong nakaraang taon nang mag-medical leave si Mike para sumailalim sa kidney procedure. Matapos ang tatlong buwan, magbabalik-trabaho na muli siya.

Ibinahagi ni Mike ang bilin ng kanyang maybahay sa kaniyang pagsabak muli sa trabaho.

“Sabi niya simpleng-simple lang, short and sweet, sabi niya: Mike, easy-easy lang ha,” kuwento pa ni Mike.

𝘙𝘰𝘮𝘮𝘦𝘭 𝘎𝘰𝘯𝘻𝘢𝘭𝘦𝘴

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley napakahusay sa Bar Boys: After School 

MATABILni John Fontanilla ISA sa hinangaan sa entries ngayon sa Metro Manila Film Festival 2025 ay ang …

Kathryn Bernardo Mark Alcala

Kath at Marc magkasama noong New Year

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HAYAGAN na ang pagkukompara ng mga netizen kina Kaila Estrada at Kathryn Bernardo. May …

GMA ABS-CBN TV5

TV5, GMA, ABS-CBN game na game sa labanan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXCITING nga ang TV network wars this 2026. Sa aminin man …

MMFF 2025 Movies

MMFF entries bigong maabot bilyong kita sa takilya

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HAPPY New Year mga Ka-Hataw. Nakaka-sad naman ang balitang five days …

Innervoices

Innervoices tropeo ang mga kanta

HARD TALKni Pilar Mateo TROPEO! ANG iba ansabe sa basurahan daw ang tuloy. Kasi, ayaw …