Monday , December 23 2024
Rodrigo Duterte RA 11650 NCDA

NCDA aprub sa pagpasa ng batas para sa Inklusibong Edukasyon

PINURI ng National Council on Disability Affairs (NCDA) ang pagsasabatas ng Republic Act 11650 – An Act Instituting a Policy of Inclusion and Services for Learners with Disabilities in Support of Inclusive Education.

Ito ay nilagdaan bilang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong 11 Marso 2022.

Ang batas ay nag-uutos sa lahat ng mga paaralan sa bansa na magbigay ng libre at mga gawaing pampubliko nang maagang edukasyon at suporta at mga kaugnay na serbisyo para sa mga mag-aaral na may kapansanan.

Nilalayon nitong magtatag ng pasilidad sa pag-aaral na tinatawag na “x” o ILRCs para sa pangkalahatang sistema ng edukasyon ng mga mag-aaral.

Bilang isang ahensiya na gumagawa ng patakaran at mga adbokasiya para sa rehabilitasyon at pagkakapantay-pantay ng mga pagkakataon sa lipunang nakabatay sa karapatan para sa mga taong may kapansanan, ang pagpasa ng nasabing batas ay isang mahalagang “milestone” na magtataguyod sa mga karapatan at magtataas ng buhay ng mga batang may kapansanan sa Filipinas.

“Ang sektor ng may kapansanan ay pinupuri ang pagpasa ng RA 11650 at itinuturing ito bilang isa sa mga ‘landmark’ na batas na nagtataguyod ng mga karapatan ng mga taong may kapansanan partikular ang mga bata at kabataang may mga hamon sa pag-aaral. Ang batas ay nagbibigay ng mga bagong pag-asa para sa isang mas magandang kinabukasan para sa sektor ng kapansanan dahil ang edukasyon ay isa sa mga pangunahing haligi ng empowerment na itinataguyod ng NCDA,” ani NCDA Executive Director Emerito Rojas. (JUN DAVID)

About Jun David

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …