Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Leni Robredo Monsour del Rosario Ping Lacson

Monsour maging kulay rosas na rin kaya ang tatahaking landas?

ISA pang mag-iiba  na ri  ng tono ay ang tumatakbo rin sa politika (muli!) na dating artista at athlete na si Monsour del Rosario.

Ang kanyang pahayag: 

Iginagalang ko ang desisyon ni Senator Ping Lacson na magbitiw sa Partido Reporma. 

“Siya ay isang mabuting tao na may tapat na puso at taos-pusong hangarin na maglingkod sa sambayanang Pilipino. 

“Naniniwala ako na marami pa siyang magagawang mabuti para sa ating bansa, at ang aking kahilingan para sa kanya ay pawang kabutihan lamang. 

“Tungkol naman sa aking kandidatura, diringgin ko ang salitani dating Pangulong Manuel L. Quezon: “Ang aking katapatan sa alinmang paksyon ay nagtatapos kung saan nagsisimula ang aking karapatan sa bayan.”  At ngayon ay narito ako upang sagutin ang panawagan ng bansa para sa pagkakaisa at makiisa sa kilusan para sa tunay na pagkakaisa.

“Ngayon, ibinibigay ko ang aking suporta sa ating kagalang-galang na Bise Presidente Leni Gerona Robredo sa kanyang hangarin na maging susunod na Pangulo ng Pilipinas.  

“Naniniwala ako na ang kanyang misyon upang baguhin at iangat ang bansa ay naaayon sa sarili kong kagustuhan para magkaroon ng tunay na pagbabago sa buhay ng ordinaryong Pilipino, lalo na ang mga napabayaan ng mga nakaraang administrasyon. 

“Dalangin ko na ang aming pananaw na makita ang isang mas magandang Pilipinas at mas magandang kalagayan ng pamumuhay para sa bawat Pilipino _ lalake man, babae o bata – ay maisakatuparan.

“Umaasa ako na anuman ang resulta ng halalan sa Mayo 9 ay magiging simula.ito ng tunay na pag-unlad na patas at kaakibat ang lahat.”

Na sinamahan ni Monsour ng katakot-takot na hashtags.

#LetLeniLead #Kakampink #GobyernongTapatAngatBuhayLahat #KulayRosasAngBukas #IpanaloNa10To

#19SaBalota #MonsourForSure #19Monsour #MonsourSenador at marami pa.

Paki-follow na rin daw siya sa kanyang mga social media account. Facebook, Twitter, Instagram.

Ikaka-happy for sure ng Leni supporters ito. Tama? Sa mga iniwan na niyang kaalyado, paano naman kaya? Nag-kanya-kanya na nga rin ba sila ng sasamahan?

Wish ng marami, maging rosas na nga sana ang tahaking landas ni Monsour. Walang “sour” graping, ha? (Pilar Mateo)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …