Saturday , November 16 2024
Drinking Alcohol Inuman

Napuno sa pambu-bully
KAPWA TRUCK HELPER, TINARAKAN NG BARETA SA LEEG NG KATRABAHO

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang truck helper matapos tarakan ng bareta sa leeg ng kapwa truck helper nang mapuno ang suspek sa pambu-bully sa kanya ng biktima sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Patuloy na inoobserbahan sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang kinilalang si Christian Borja, alyas Ogag, 28 anyos, tubong Buhi, Camarines Sur, unang isinugod ng kanyang mga katrabaho sa Ospital ng Malabon (OsMa) bago inilipat sa nasabing pagamutan sanhi ng malalim na saksak ng bareta sa leeg.

Agad nadakip ng nagrespondeng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 2 ang suspek na kinilalang si Ruben Layosa, alyas Potpot, 34 anyos, tubong Brgy. Taisan, Daet, Camarines Norte, nakuhaan ng baretang ginamit sa biktima.

Batay sa pinagsamang ulat nina P/SSgt. Mardelio Osting at P/Cpl. Renz Marlon Baniqued, bago ang insidente, nag-inuman ang biktima at ang suspek, kasama ang kanilang mga katrabaho sa loob ng trucking yard na matatagpuan sa Carbonium St., Goldendale Subdivision, Brgy. Tinajeros.

Dakong 3:45 am, habang naglalaro ng baraha ang biktima kasama ang kanyang mga katrabaho sa loob ng kanilang barracks, biglang pumasok ang suspek na armado ng bareta at tinarakan sa leeg si Borja.

Sa pahayag ni Layosa sa pulisya, nagawa niya ang pananaksak sa biktima dahil napuno na umano siya sa ginagawang pambu-bully sa kanya ni Ogag.

Kaagad inawat ng kanilang mga katrabaho ang suspek saka inagaw ang hawak nitong bareta bago mabilis na isinugod sa pinakamalapit na ospital ang biktima. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …