Tuesday , December 24 2024
Pitmaster Foundation nagbigay ng 17 ambulansiya sa MM-LGUs

Pitmaster Foundation nagbigay ng 17 ambulansiya sa MM-LGUs

NAGBIGAY ang Pitmaster Foundation, isa sa pinakamalalaking charity institutions sa bansa, ng mga ambulansiya sa lahat ng 17 local government units (LGUs) sa National Capital Region (NCR).

Ang mga naturang ambulansiya ay pormal na ipapamahagi ng Foundation sa NCR LGUs, katuwang ang Metro Manila Development Authority (MMDA), Department of Health (DOH) at Department of Interior and Local Government (DILG), bilang ikatlong bahagi ng kanilang commitment sa Metro Manila Mayors. 

Ayon kay Pitmaster Executive Director Atty. Caroline Cruz, utos sa kanila ng kanilang Chairman na si  Charlie “Atong” Ang, lahat ng 17 LGUs sa NCR ay pagkalooban ng emergency vehicles bilang ikatlong bahagi ng kanilang pangako na pagtulong sa mamamayan.

“The first part was  the P50 million for rapid antigen tests and P50 million in financial assistance to Metro Manila LGUs for mass testing, followed by P20 million in homecare kits,” ani Atty. Cruz.

Sinabi ni Atty. Cruz, nakapamahagi na ang Pitmaster ng kabuuang 160 units ng ambulansiya sa iba’t ibang LGUs at medical centers sa buong bansa, kabilang ang tig-isa sa 81 lalawigan sa Filipinas.

“This is part of our commitment to work with LGUs and the National Government to address the gaps in the country’s healthcare sector. This is our contribution to Universal Health Care,” dagdag ni Atty. Cruz.

Sinabi ni Ang, “The lack of nearby hospitals, and the rigidities of our healthcare system, was shown during the pandemic. The availability of a complete and fully-equipped ambulance will bridge the difference between life and death for thousands of our kabayayans. Our commitment is to save lives and promote dignified and adequate health care.”

“My instruction is to give and give, continue what is good for the Filipino people, as I want to give back what I have earned  from all my  businesses,” aniya.

Nabatid, ang Pitmaster Foundation ay nakapagkaloob ng halos P1 bilyong iba’t ibang uri ng emergency at medical relief at support.

Mahigit sa 50,000 pasyente ang nakinabang mula sa kanilang ibinibigay na dialysis assistance.

Aktibo rin ang Pitmaster sa ongoing health programs ng pamahalaan, bukod sa massive relief efforts nito sa panahon ng emergencies at disasters, at nasa forefront rin sa pagtulong sa pamahalaan at mga LGUs sa paglaban sa COVID-19.

Ilan sa COVID-19 interventions ng Foundation ay ang pagkakaloob ng 10 milyong facemasks, pagbili ng 11,000 COVID-19 vaccine doses at pagkakaloob ng P20 milyong ayuda sa mga COVID-19 hospitals.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …