TINAMAAN ng malakas na ipo-ipo nitong Biyernes, 18 Marso, ang dalawang barangay sa bayan ng Bambang, lalawigan ng Nueva Vizcaya, na puminsala sa hindi bababa sa 25 pamilya at 119 indibidwal.
Ayon sa ulat, agad nailikas ang mga biktima sa mga barangay ng Sto. Domingo at Macate, sa mas ligtas na mga lugar sa kautusan ni Nueva Vizcaya Governor Carlos Padila at sa pakikipagtulungan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Emergency Response Team at Philippine Red Cross Nueva Vizcaya Chapter.
Tinatayang 15 pamilya at 75 katao ang naapektohan sa Brgy. Sto. Domingo, samantala 44 kataong kabilang sa 10 pamilya ang apektado sa Brgy. Macate.