Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest posas

Wanted sa rape arestado sa Vale

BINITBIT sa selda ang isang lalaking supervisor, wanted sa kasong panghahalay nang madakma ng pulisya sa lungsod ng Valenzuela.

Kinilala ni Valenzuela Police Warrant and Subpoena Section (WSS) chief, P/Lt. Robin Santos ang naarestong suspek na si Julyne Juayno, 32 anyos, residente sa Barangay Canumay East.

Ayon kay P/Lt. Santos, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa kanilang impormante na nakita si Juayno sa kanilang lugar kaya agad silang nagsagawa ng operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Dagdag ni Santos, inaresto ang suspek batay sa warrant of arrest na inisyu ng Branch 283 ng Regional Trial Court (RTC) ng Valenzuela City noong March 10, 2022 na may piyansang P120,000.

Sa ulat ng pulisya, si Juayno, supervisor, ay inireklamo ng isang 22-anyos babae, nang siya ay gahasain sa kanilang barracks noong 6 Setyembre 2021. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …