Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sabog sa droga KELOT NA HUMALAY SA MENOR DE EDAD NA TOTOY ARESTADO

Sabog sa droga
KELOT NA HUMALAY SA MENOR DE EDAD NA TOTOY ARESTADO!

KALABOSO ang isang 22 anyos lalaki na salarin sa panghahalay sa isang 7-anyos totoy sa Recto Divisoria Maynila.

Ayon sa ulat, nadakip ng MPD Station2 sa pamumuno ni PltCol Harry Lorenzo ang salarin na si Ivan Madrigal residente ng Blk 1 Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Ang panghahalay ng suspek sa kaawa-awang menor de edad ay na-videohan pa ng isang netizen sa tabing estero ng isang mall sa Divisoria Maynila na nagviral pa sa social media kamakalawa.

Narescue na rin ng kapulisan ang  7-anyos totoy na hinalay ng suspek at kasalukuyang nasa kostudiya ng DSWD.

Nabatid na sinubukan pang itago ng suspek ang pagkakakilanlan ng batang biktima na kalaunan ay napagalaman na anak pala ng kanyang kinakasama.

Inamin rin ng suspek na lango ito sa droga sa tuwing gumagawa ng kahalayan sa menor de edad na biktima.

Napag-alaman na rin na hindi lamang ang batang biktima ang ginawan ng kahalayan ng suspek.

Dahil dito nananawagan ang pamunuan ni MPD DD PBGEN LEO FRANCISCO sa mga posibleng nabiktima na maglakas loob na dumulog sa pulisya at maghain ng reklamo laban sa suspek.

Kasalukuyang nakakulong sa MPD PS2 ang suspek na nahaharap sa kasong R.A.8353 o Anti-Rape law of 1997. (BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …