Saturday , November 16 2024
Iba Zambales ROCKWELL COMMANDER 685

Sa Iba, Zambales
ROCKWELL COMMANDER 685 NG FLYING SCHOOL SUMADSAD

ANIM na sakay ng isang trainer aircraft ng isang flying school ang sugatan matapos sumadsad sa karagatang sakop ng Iba, Zambales kahapon ng umaga.

Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio, dakong 7:10 am kahapon nang sumadsad ang isang Rockwell Commander 685 (Aero commander 685), 500 metro mula sa dalampasigan ng Purok 3, Brgy. Sto. Rosario.

Sa imbestigasyon, may sakay na 6 pasahero, kinabibilangan ng student pilots at marshall ang aircraft na ino-operate ng Sentinel Logistic air Management.

Agad nasagip ng mga tauhan ng PCG at mga mangingisda sa lugar ang mga sakay ng eroplano na ngayon ay ginagamot sa ospital.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga tauhan ng CAAP Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) kaugnay ng insidente. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …