Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tom Rodriguez Rey Abellana

Tom nagpaalam kay Rey, magtutungo ng Amerika para magpalamig

HARD TALK
ni Pilar Mateo

MIYERKOLES ng gabi. MAY bisita ang pamilya ni Rey Abellana sa kanilang tahanan.

Sabi ng misis ni Rey na si Sheena, enjoy-enjoy lang sila. Kainan, inuman, at ang hindi nawawala sa get-together sa bahay nila, ang karaoke.

Pinaood ko ang videos shared by another guest, ang singer na si Marlon Mance at ni Sheena.

Ang galing talga ng boses niyong Mama. Hindi mo mahahalatang may pinagdaraanan pa o dinaanan na ba?

Suot pa rin naman nito ang wedding ring niya.

Pero, wala sa tabi ang kanyang magandang maybahay. Baka naman nasa ibaba lang kasama ang dalaga ni Rey.

May liwanag pa nang magsimula ang bonding at kantahan. Dumilim na eh, walang Carla kaming namulatawan.

Sige lang nang sige sa kakakanta si Tom Rodriguez kasama ang ilang miyembro ng 4th Generation ng Hagibis(Jack Delon and Ronald Gamboa) na nayaya rin sa salo-salo.

Ang saya-saya ni Tom. 

Kaya gusto kong isipin na bago pa man ang katuwaan nila hanggang sa lumalim ang gabi, malamang na natapos na ang usapan o man-to-man talk sa kanilang mag-biyenan.

Kung anuman ang mga nabuksan, natuklasan, napagdesisyonan,  napagkasunduan, eh sa mga bibig pa rin nina Tom at Carla magmumula sa mga darating na araw.

Marami naman ang nasaktan sa balitang naghiwalay na sila. Kaya kung ang pagdalaw na ‘yun ni Tom sa tahanan ng kanyang mga biyenan ay para maging maayos ang lahat, mas marami naman ang matutuwa!

Sana nga, roon na papunta ang naging usapan nina Tom at mga biyenan.

Sige kasi ang paglabas sa IG posts ni Carla sa ibinebenta niyang bahay at kasama ang mga kagamitan sa loob nito.

Secretive pa nga sa Abellana ang rason ng pagtuntong na ‘yun ni Tom sa bahay nila. Minus Carla nga ba?

Hindi naman siguro last time na tutuntong si Tom sa bahay na ‘yun!

Samantala, napag-alaman namin na isa sa ipinunta ni Tom kay Rey ay ang pagpapaalam na pupunta muna ito ng Amerika para magbakasyon. Hindi lang nalinaw sa amin kung magtatagal ba ito o kung hanggang kailan mananatili sa USA. 

Hindi naman siguro masyadong magtatagal si Tom sa Amerika dahil may mga maiiwan siyang trabaho rito. Ang tiyak, magpapalamig siguro muna ito sa mga nangyayari sa kanila ngayon ni Carla.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …