Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vivian Velez ISAng Pilipinas Edith Fider Isko-Sara

Isko-Sarah coalition suportado ng produ

HARD TALK
ni Pilar Mateo

BAKIT daw si Isko Moreno

Track record—Ang reputasyon ng isang politiko ay nakatuntong sa kanyang track record sa pamumuno pa lamang ay alam na kung sino ang matino at hindi.

Bakit tayo pipili ng isang botanteng tiwali at ang daming record ng pandaraya at korupsiyon kaysa suportahan ang may tunay at talagang maayos ang performance, may track record at makabagong solusyon sa pagresponde sa kinakaharap nating krisis ngayon.

Bata—Mas bata at hindi sakitin. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na si Isko ang isa sa mga pinakabatang tumatakbong presidente ngayong eleksiyon 2022.

Ngayong panahon ng pandemya mas mas kailangan natin ng Proactive, Energetic , Fresh, Innovative at Competent Leader, nakikinig sa mga idea ng kabataan at kapwa Filipino.

 Hindi kabilang sa political dynasty—hindi gaya ng iilan si Isko ay galing sa hindi kilalang alta sosyal na pamilya at walang politikong kamag-anak sa bobyerno. Hindi kinokontrol ng partido o kasama dahil boses at interes ng sambayanang Filipino ang inuuna at uunahin.

Galing sa hirap—laki sa hirap, galing sa hirap, ramdam ang mahihirap. Itinaas ang antas ng pamumuhay at dignidad ng mahihirap.

Good governance—in less than 3 Years ay may napatunayan ang Kapitolyo at Kabisera ng bansa. Naging huwarang ang kanyang governance sa lahat ng LGU sa buong bansa at hindi nagkakabit ng mukha at pangalan sa kanyang mga proyekto at programa.

Nakapagpatayo ng mga ospital, pabahay, at nalinis ang Maynila, binuhay ang mga makasaysayang lugar at ramdam ang mga basic & social services. Pandemya? Pero nagpatuloy ang mga programa, nagpatayo ng mga iba’t ibang empraestruktura na pinakikinabangan at pakikinabangan ng mga Filipino sa hinaharap.

Edukado—Nag-aral sa mga prestihiyosong paaralan tulad ng Harvard University, Oxford University, University of the Philippines (Diliman), Arellano University, at nagtapos ng Public Administration sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Nagpapakita ng huwarang sa mga kabataan na ang edukasyon ang sandata para magkaroon ng magandang kinabukasan.

Malinaw ang mensahe, isang dating basurero na nangarap, nagtyaga, nag-aral, nagsumikap, at naging Mayor ng Maynila at ngayon ay naghahangad makapaglingkod bilang pangulo at ama ng bansa. Kagaya ni Isko pwede na rin palang maging mayor o awa ng Diyos pangulo ang may ordinaryong pamumuhay hindi lamang ng iilan, pwede na rin pala makapaglingkod sa bayan.

At kamakailan, muling nasabi ni Vivian Velez na namumuno sa FAP (Film Academy of the Philippines) ang mga rason, at sa pagkakataong ‘yun sa Kalayaan Hall ng Club Filipino, isa na si VV sa  convenors ng pagsuporta, hindi lang kay Isko kundi sa napipisil nilang maging bise-presidente nito na si Inday Sara Duterte.

Isang koalisyon ang nabuo.

Inilunsad na ang grupong ISAng Pilipinas na sinusuportahan ang kandidatura nina Isko at Sara ng grupo ng staunch supporter ni Isko na si Edith Fider.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …