ni Ed de Leon
“BADING siya, Bading,” ang sabi ng isang frustrated manager nang mahuli niya ang talent niya mismo na may kanuknukang isang lalaki rin. Pogi ang talent niya at kaya niya na-discover ay malakas ang following sa social media pero alam niyang mauuwi lamang sa wala ang lahat dahil bading nga ang pogi niyang talent.
“Estudyante pa lang daw ay bading na siya. Gay for pay din, dahil kumakabit din siya sa ibang bading na nagdadatung sa kanya, pero iyon pala idinadatung din niya sa ibang lalaki. Bading siya at natanso niya ako,” sabi ng bading ding talent manager.