Friday , November 15 2024
fire sunog bombero

300 pamilya nawalan ng tahanan sa sunog

HALOS 300 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos masunog ang isang residential area sa Valenzuela City, Linggo ng madaling araw.

Sa nakalap na ulat sa Valenzuela City Bureau of Fire Protection (BFP), dakong 4:20 am nang biglang sumiklab ang sunog sa residential area sa Sagip St., Brgy. Arkong Bato.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga kabahayan kaya’t agad iniakyat ang sunog sa ikalawang alarma. Idineklara ng BFP na fire under control dakong 7:04 am.

Dakong 2:04 pm nang ideklarang fire out ang sunog habang walang napaulat na nasaktan o nasawi sa insidente. Inaalam kung gaano ang naging pinsala at ang pinagmulan ng sunog.

Kaagad nagpadala si Mayor Rex Gatchalian ng rescue team, social workers, at medical teams sa lugar para tulungan ang apektadong mga residente.

Nagtayo rin ang pamahalaang lungsod ng modular tents, mobile showers, at mobile kitchens, pati pansamantalang tirahan ng mga alagang hayop sa mga evacuation sites sa Arkong Bato National High School at PR San Diego Elementary School kung saan pansamantalang nanunuluyan ang mga biktima ng sunog.

Namahagi si Mayor Rex ng family comfort packs, hygiene kits, food packs at magbibigay ng financial assistance ang pamahalaang lungsod sa mga susunod na araw.

Inilatag ni Mayor Rex, Vice Mayor Lorie, at mga konsehal ang long-term solution na gagawin ng pamahalaang lungsod kung saan isasaayos ang subdivision plan ng Sagip St., at sisiguruhing may maayos itong daanan para sa mga tao. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …