Saturday , November 16 2024
Caloocan City

Vintage bombs nahukay sa hospital compound

TATLONG unexploded ordnance at apat na exploded ordnance ang nadiskubre ang mga vintage bomb o Explosive Remnants of War (ERW) sa isang excavation site sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Ayon sa ulat, dakong 3:20 pm nang madiskubre ang nasabing ERW sa excavation site sa loob ng Manila Central University (MCU) Compound na matatagpuan sa Morning Breeze St., Brgy. 84, ng welder na si Virgilio Lapitan, 44 anyos, na agad ipinaalam sa Caloocan Police Sub-Station 5.

Kaagad nagresponde sa naturang lugar ang team ng Caloocan Police Station Explosive and Canine Unit (SECU) sa pangunguna ni P/Lt. Leo Limbaga, kasama sina P/SSgt. Rowell Aguiling at P/SSgt. Jojo Basquinas, kapwa EOD technician.

Agad ini-secure ang lugar at kinordonan ng mga pulis saka pinayohan ang karamihan na maghanap ng ligtas na lugar bago sinuri ang status ng naturang UXO at isinagawa ang render safety procedure sa pamamagitan ng PUCA (Pick up and Carry away) hanggang narekober ang kinakalawang na vintage bombs.

Batay sa ulat ni P/Lt. Limbaga, ang naturang unexploded ordnance ay considered na lubhang mapanganib kaya dinala ito sa SECU-Caloocan Police para sa safe keeping bago i-turnover sa RECU-NCR para sa disposal operation.

Kamakailan, may nadiskubre rin na hinihinalang vintage bomb sa isang excavation site sa loob ng Maynilad Compound sa Brgy. 35 ng nasabing lungsod. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …