Tuesday , April 15 2025
P500 500 Pesos

Lolang vendor kinulata, ninakawan ng bebot

KINULATA nang husto ng isang babae ang isang lolang vendor ng kakanin sabay ninakaw ang perang pinagbentahan nito sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Bagamat nakatakas, agad din naaresto ang suspek at kasalukuyang nasa kustodiya ni Malabon Police Sub-Station 5 commander P/Lt. Mark Xyrus Santos, na kinilalang si Jennylyn Cantuba, 29 anyos, residente sa Block 7, Lot 18, Phase 1 C, North Bay Boulevard South (NBBS), Navotas City.

Batay sa ulat ni P/SSgt. Michael Oben kay Malabon police chief Col. Albert Barot, habang nagtitinda ng kakanin sa parking lot sa Block 15, Phase 3, A3, Brgy., Longos, Malabon City ang biktimang si Filomena Yabut-Boac, 69 anyos, biyuda, residente sa Lot 59, Phase 2, Area 3, Brgy., 59, Caloocan City, biglang sumulpot ang suspek at kinulata ng gulpi ang matanda.

Bumagsak ang lolang biktima sa rami ng pinsala habang kinuha ng suspek ang P500 kinita sa pagtitinda saka mabilis na tumakas.

Humingi ng tulong ang biktima kay P/Cpl. Michael Alanic ng SS5 at sa mga tanod ng Barangay Longos na agad nagsagawa ng follow-up operations, kaya agad naaresto ang suspek.

Hindi nabanggit sa ulat kung nabawi ang pera ng biktima, sa ipiniit na suspek sa Malabon Police Station at nahaharap sa kasong pambubugbog at pagnanakaw. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

MRT-7 post West Avenue

Sa Quezon City
Poste ng gingawang MRT-7 bumigay

BUMIGAY ang isa sa mga poste ng ginagawang MRT-7 sa bahagi ng West Avenue, sa …

Parañaque Police PNP

2-anyos nene ini-hostage kelot timbog sa Parañaque

ARESTADO ang isang lalaki na nang-hostage sa isang 2-anyos batang babae sa loob ng isang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …