Monday , November 18 2024
Pili Pinas Comelec debates 2022

BBM wala pang pahayag kung dadalo sa Comelec debate

NAGKOMPIRMA na ang siyam sa 10 kandidato sa pagkapangulo na dadalo sa debateng ikinasa ng Commission on Elections, maliban kay Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Ito’y kahit pinayohan na siya ng kapatid na si Senadora Imee Marcos na dumalo sa mga debate upang mapatunayang hindi siya duwag.

Sa kabila ng payo ng kapatid, wala pa rin imik ang kampo ni Marcos kung dadalo o hindi.

Unang nag-trending ang #MarcosDuwag matapos umatras sa ilang debate.

Ayon sa netizens, patunay ito na duwag talaga si Marcos at walang malinaw na plano para sa bansa at sa mga Filipino.

Kantiyaw ng netizens, paano haharapin ni Marcos ang mabibigat na problema ng bansa kung sa debate pa lang ay umaatras na.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …