Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Allison Smith Jojo Veloso

Allison Smith, ang ika-apat na alas ni Jojo Veloso sa Vivamax

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAGANDA ang simula ng showbiz career ng baguhang si Allison Smith (https://www.facebook.com/iamallisonsmith). Ngayon kasi ay dalawang projects na agad ang kanyang ginagawa. Una na ang Cattleya Killer na pinagbibidahan ni Arjo Atayde at ang pelikulang Virgin Forest ni Direk Brillante Mendoza.

Nagpahayag ng sobrang kagalakan dito ang tisay na newcomer.

Aniya, “Excited po ako sa project na ito, dahil kahit baguhan pa lang ako ay nakatrabaho ko na si Arjo. May shooting pa po kami, kaya excited talaga ako.

“Hindi po yata puwedeng sabihin yung role ko sa Cattleya Killer… ang isa ko pang movie ay yun pong Virgin Forest, ito po ay directed by Direk Brillante Mendoza.”

Saad pa ni Allison, “Sa Virgin Forest, ang role ko po roon ay isang diwata, kaya nae-excite po ako sa mga dumarating na project sa akin ngayon. Hindi naman po ako nagpa-sexy dito, topless po ako bilang diwata, pero naka-cover naman po ng buhok ko yung boobs ko.

“May gagawin po akong iba pang projects sa Vivamax, kaya sobrang happy po ako at excited.”

Tampok sa Virgin Forest sina Sid Lucero, Ivan Padilla, Angeli Khang, Mark Anthony Fernandez, Vince Rillon, Markki Stroem, Rob Guinto, at Alma Moreno.

My plano siyang i-launch sa Vivamax bilang isang ganap na lead actress, ano ang reaction niya rito? “Masaya po ako, parang hashtag happy, hashtag grateful… I am deeply thankful and blessed po talaga,” nakangiting wika pa ni Allison.

Ano naman ang reaction niya sa sinabi ng manager niyang si Jojo Veloso na siya ang kanyang pag-apat na alas sa kanyang mga talents. Na ang tatlong nauna ay sina AJ Raval, Angeli Khang, at Ayanna Misola na itinuturing bilang mga Diyosa ng hotness sa Vivamax.

“Hindi pa po iyon nagsi-sink-in sa utak ko, parang hindi ko pa po iyon nafi-feel… Parang normal lang naman po ang pakiramdam ko, pero may halong excitement din po,” masayang saad pa ni Allison.

Si Allison ay 19 years old, isang 2nd year student ng kursong Tourism sa Father Saturnino Urios University at handang magpaka-daring at magtatakam sa mga barako sa paghataw ng kanysng showbiz career.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …