Saturday , November 16 2024
Caloocan City

Vintage bomb, nahukay sa Kankaloo

ISANG hinihinalang vintage bomb ang natagpuan sa isang excavation site sa Caloocan City.

Ayon sa ulat, dakong 4:46 pm nang madiskubre ang naturang vintage bomb sa excavation site sa loob ng Maynilad Compound sa Brgy. 35, naging dahilan upang i-report ito ni Henry Montebon, 22, Road Roller Operator sa mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 1.

Kaagad nagresponde sa naturang lugar ang team ng SECU ng Caloocan police sa pangunguna P/Lt. Leo Devero Limbaga, kasama sina P/SSgt. Jeffrey Cruz at P/Cpl. Machir Lagud, kapwa EOD Technician.

Pagdating sa lugar, agad sinuri nina P/SSgt. Cruz at P/Cpl. Lagud ang kalagayan ng naturang UXO at isinagawa ang Render Safety Procedure (RSP) sa pamamagitan ng PUCA (Pick-up and Cary Away) na nagresulta sa pagkakarekober ng isang 75mm Projectile (UXO) na may fuze ngunit kinakalawang na.

Ani P/SSgt. Cruz at P/Cpl. Lagud, considering ang lagay ng nasabing UXO ay tanggal na ang protective cover mula sa orihinal nitong posisyon upang maiwasan ang fuze mechanism sakaling aksidenteng matamaan ng anumang matigas na bagay at lubha anila itong mapanganib.

Sinabi ni P/Lt. Limbaga, dinala nila ang nasabing ordnance sa SECU-Caloocan Police para sa safe keeping bago i-turnover sa RECU-NCR para sa disposal operation. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …