Monday , December 23 2024
President vice president logo

Grand coalition ng Presidential, VP candidates ipinanawagan.

NANAWAGAN ang isang vice presidential aspirant sa lahat ng presidential at vice presidential candidates ng grand coalition  laban sa tandem ni dating senador Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara  Duterte.

Sa ginanap na press conference, sinabi ni Rizalito David, kailangan magkaroon ng iisang kandidato na maaaring itapat sa BBM Sara tandem na namamayagpag sa surveys.

Ayon kay David, dapat mag-giveway at magkasundo ang lahat ng presidential at vice presidential candidates at magkaroon ng  common candidate.

Sa gagawing ito ng mga presidentiable at vice presidentiable, sambayanan ang makikinabang dahil mananatiling malaya ang bansa.

Kung sino aniya ang may mataas na survey at may napatunayan na, maaaring ito ang kandidatong ilalaban.

Umaasa si David na makapagdesisyon ang mga kandidato kabilang siya bago ang Comelec debate sa April  4. (JUN DAVID)

About Jun David

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …