Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Malabon City
Malabon City

Sangkot sa riot sa Malabon
3 KABATAAN NASAGIP

NAILIGTAS ng mga awtoridad ang tatlong menor de edad na sinabing sangkot sa naganap na riot sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Malabon city police chief, Col. Albert Barot, inilipat sa pangangalaga ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), para sa counseling at proper disposition ang nailigtas na kabataang lalaki, edad 10 hanggang 13 anyos.

Dakong 3:30 pm nang magsagawa ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 5 sa pamumuno ni P/Lt. Mark Xyrus Santos ng routine patrol sa C4 Road, Brgy. Longos na nagresulta sa pagkaka-rescue sa tatlong menor de edad.

Nabatid, kamakailan ay nagmistulang ‘war zone’ ang isang kalye sa Brgy. Longos nang magbatuhan ng Molotov bomb ang dalawang grupo ng kabataan matapos magkahamunan sa group chat at nauwi sa riot.

Kitang-kita sa CCTV camera ng Barangay Longos ang dalawang grupo ng kabataan na may bitbit na bote ng Molotov saka nagpalitan ng bato bago mabilis na nagtakbohan.

Makikita rin ang isang bata na may bitbit pang patalim habang mabilis na nagresponde sa lugar ang mga barangay tanod na muntik pang tamaan ng ibinatong bote ng Molotov.

Ayon kay P/Lt. Santos, lagi silang nagpapatrolya sa naturang lugar ngunit tumitiyempo raw ang mga kabataan kapag walang nagbabantay. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …