UMALMA ang kampo ni presidential aspirant at dating senador Ferdinand Marcos, Jr., sa sinabi ng tagapagsalita ng Commission on Elections (Comelec) na may parusa ang kandidatong hindi dumadalo sa nga debate na inapatawag ng komisyon.
Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, nais nilang malaman kung ang hakbang na ito ay desisyon ng komisyon ay mula sa mga kinatawan nito o kay Jimenez lamang.
Sa panayam sa media, sinabi ni Jimenez, ang mga kandidato na hindi dadalo sa Comelec debates ay hindi na makakasama sa e-rally o e-campaign ng ahensiya.
“Nabasa ko na ‘yan. We want to know what’s the basis of Director Jimenez. Is it an en banc resolution or he’s just expressing his own opinion or preference for those who are not attending the Comelec-sponsored debate,” ani Rodriguez.
Sinabi rin ni Rodriguez, hindi pa tiyak ang pagdalo ni Marcos sa Comelec presidential debates sa 19 Marso.
Aniya, puno ang schedule ni Marcos na dalawang buwan nang nailatag. Si Marcos lamang ang kandidato para presidente na hindi dumalo sa mga debateng ipinatawag ng Comelec.
“We have a full schedule on that day that has been in place for more than two months na. Ang scheduling namin mahaba, talagang mahaba ang scheule namin,” ayon sa tagapagsalita ni Marcos. (GERRY BALDO)