Sunday , April 27 2025
prison rape

No. 7 most wanted person (MWP)
RAPIST HULI SA KANKALOO

ARESTADO ng mga awtoridad ang isang mister sa bisa ng warrant of arrest ang tinaguriang No. 7 most wanted person ng Caloocan City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) chief, P/Lt. Col. Jay Dimaandal ang naarestong akusado na si Michael Kenneth Agliam, 29 anyos, residente sa Interior Rivera Baesa, Brgy. 160 ng nasabing lungsod.

Ayon kay P/Cpl. Josefino Estacio II, nakatanggap ang mga operatiba ng DSOU na nakita ang akusado sa kanilang lugar dahilan upang magpadala si Lt. Col. Dimaandal ng kanyang mga tauhan sa lugar para alamin ang naturang report.

Nang positibo ang ulat, bumuo ng team ang DSOU sa pangunguna ni P/Capt. Melito Pabon, kasama ang NDIT RIU-NCR, 4th MFC RMFB, NCRPO at Northern NCR MARPSTA saka ikinasa ang operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Agliam sa kanyang tirahan dakong 10:30 am.

Ani Pabon, ang akusado ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong 26 Nobyembre 2021 ni Hon. Judge Misael Delo Ladaga ng RTC Branch 126, Caloocan City para sa kasong Rape at walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …