Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Navotas
Navotas

Proyektong mag-aangat sa Navoteños sinimulan

INIHAYAG ni Navotas City Mayor Toby Tiangco, sinimulan nang tambakan at i-develop ng San Miguel Corporation ang mga palaisdaan sa Tanza, may kabuuang 343 hectares airport support services.

Ayon kay Mayor Tiangco, isa itong proyekto na magbubukas ng napakaraming oportunidad sa trabaho at hanapbuhay na lalong magpapaangat sa buhay ng bawat Navoteño.

Aniya, dito itatayo ang iba’t ibang airport support industries para sa New Manila International Airport tulad ng aviation maintenance, airport catering, fast cycle logistics, tourism at iba pa.

Magmula Tanza, ang integrated tool expressway ay dederetso sa New Manila International Airport sa Bulakan, Bulacan. Ang Navotas ay mapupunta sa pagitan ng New Manila International Airport at ng ibang lugar sa Metro Manila.

Maghahatid aniya ang proyektong ito ng mas marami pang oportunidad, hanapbuhay, at trabaho para sa mga Navoteño.

Sa bisa ng ordinance No. 2021-40 na inaprobahan ni Mayor Tiangco noong 21 Hulyo 2021, 70% ng mga empleyado ay dapat mga Navoteño.

“Ang NavotaAs institute ay magbubukas ng mga kursong maihahanda ang ating mga kababayan para sa mga skills na kinakailangan.

Makaaasa po kayo na hindi tayo hihinto sa pagsusumikap na ipagpatuloy ang pag-unlad ng Navotas at pag-angat ng buhay ng bawat Navoteño,” ani Mayor Toby.

“Ang plano ng Manila International Airport ay mula sa world renowned urban planner Arch. Jun Palafox na isa sa nag-develop ng napaka-progresibong siyudad na Dubai at lumikha ng libo-libong trabaho sa mahigit 40 bansa,” pahayag ni Cong. John Rey Tiangco. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …