Saturday , November 16 2024
road accident

Jaguar todas sa umalagwang motorsiklo

PATAY ang isang security guard matapos mawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo at bumangga sa isang concrete barrier sa Malabon City, kamakalawa ng madaling araw.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa MCU (Manila Central University) Hospital ang biktimang kinilalang si Cris Edgar Arabaca, 27 anyos, residente sa Manuel L. Quezon St., Barangay Hagonoy, Taguig City, sanhi ng pinsala sa ulo.

Sa ulat ni P/Cpl. Anthony Codog kay Malabon City police chief, Col. Albert Barot, dakong 12:50 am, minamaneho ng biktima ang kanyang Honda Click 125 na motorsiklo at tinatahak ang MacArthur Highway patungong Caloocan City.

Pagsapit sa isang kilalang drug store sa Brgy. Potrero, Malabon City, biglang nawalan ng kontrol ang biktima sa kanyang motorsiklo hanggang mag-crash sa konkretong barrier.

Mabilis na isinugod sa ospital ang biktima, sinabing may grabeng pinsala sa ulo, ng mga nagrespondeng tauhan ng Malabon Police Sub-Station 1 at mga barangay tanod sa naturang pagamutan ngunit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …