ni Ed de Leon
PROBLEMA ngayon ng isang male star ay bagsak na ang kanyang career. Kung hindi pa siya sumali sa isang mahalay na internet movie wala pa. Iyong isang pelikula na sinamahan niya, hindi pa siya nababayaran at hindi naman niya masingil dahil may utang na loob siya sa producer.
Ang problema niya ngayon, hindi rin nakikipagkita sa kanya ang kanyang gay politician lover dahil busy iyon sa kampanya at takot na baka matsismis pa sila, makasira pa.
Ngayon talagang walang-wala na siya kaya pati mga maliliit na out of town shows pinapatulan na niya, bukod sa kung sino-sinong bakla na ang sinasamahan niya. Mayroon pa ngang japayuki na nagsasabing pinerahan niya.