NAGPAHAYAG ng suporta si House Deputy Speaker at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera sa lumalawak na panawagang magkaroon ng special sesyon upang talakayin ang mga panukalang magsususpende ng excise tax sa mga produktong petrolyo.
Ayon kay Herrera lalong tumaas ang presyo ng gasolina dahil sa excise tax nito.
“If it is really necessary and President Duterte calls for it, we are more than willing to take part in the special session with the end goal of providing much-needed relief to our people amid unstoppable rise in crude prices,” ani Herrera.
Anang mambabatas, ang ordinaryong konsumer ang tatamaan ng patuloy na pagtaas ng gasolina.
“The higher costs will be passed on to ordinary consumers who have no choice but to deal with rising prices of food, electricity, water and other goods and services,” aniya.
Kapag nasuspende ang excise tax, bababa ng P6 kada litro ang diesel, P10 kada litro ang gasolina, P5 sa kerosene at P33 bawat 11 kilos na silindro ng LPG.
Ani Herrera, tanging ang presidente ang may kapangyarihang magpatawag ng special session.
Kaugnay nito nanawagan si Albay Rep. Joey Salceda na luwagan ang mga panuntunan sa transportasyon.
Ayon sa chairman ng House Ways and Means, ang pagluwag sa mga restrictions sa sektor ng transportasyon ay makatutulong sa napipintong pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa krisis sa Ukraine.
“The protections accorded by additional public transport restrictions are marginal at best, and more public transport supply is a better guard against overcrowding when workplaces are beginning to normalize,” ani Salceda.
“The country could save as much as 1.4 billion pesos in fuel every day by simply reverting to pre-pandemic public transport supply,” ani Salceda.
“The situation in the global markets will take a while to stabilize. Meanwhile we are starting to have plans to go back to school and go to work. Oil prices will hurt the middle class more if they are forced to take private vehicles due to lack of alternatives.”
Aniya hindi sapat ang kasalukuyang public transport kung ibabalik ang face to face classes.
“Especially in the rural areas, where PUVs like tricycles are essential, we need to lift all public transport restrictions,” ayon sa mambabatas. (GERRY BALDO)