Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Liza Dino Ice Seguerra

Liza ibinuking Ice may plano ring magpatanggal ng suso

HARD TALK
ni Pilar Mateo

ALIW kami sa reaksiyon ni FDCP Chairman nang makita niya kami sa Max’s Restaurant na pinagdausan ng Grand Presscon para sa gaganaping Film Ambassadors’ Night 2022 sa February 27.

Halos dalawang taon yata naming hindi ito nakita nang pisikal pero may ilang pagkakataon na ang usapan eh via zoom lang.

Bago namin inusisa ang magiging kaganapan sa FAN ng FDCP, personalan muna ang tsikahan sa labas bago nagsalo-salo sa isang masaganang pananghalian.

Wala kaming nakuha sa susuportahan niya o ‘di kaya naman eh nag-aanyaya sa kanya para mag-endoso sa politika.

Kaya nga, beige ang blouse ko, oh. Walang kulay!” natatawang wika nito.

Blooming si Chair. Masasabi na ba na naghahanda na rin sila ni Ice Seguerra sa pagdating ng inaasahan na nilang supling (via IVF)?

“Ilang taon na namin ‘yang hinihintay. Pero may mga proseso. Though, nakita na namin ang background ng magiging donor. Maglalakbay din kasi from US to Malaysia ‘yung sperm para i-fertilize sa frozen egg ni Ice. Pero kung wala pa rin, open naman kami na mag-adopt. 

“Caucasian. With Irish-German descent. Number lang siya. Walang pangalan. I will be 41 in June. Nag-isip na kami ng name sa baby. Gender neutral lang. Para kung babae o lalaki pwede.”

Isang malaking challenge nga ito sa kanila financially. Pero hindi sila nawawalan ng pag-asa dahil matagal na nila itong pinaghandaan.

Tungkol naman sa ginawa ni Jake Zyrus na ipinakita na ang kanyang dibdib sa social media.

I’m happy for him. We’re happy for him. Si Ice nga nagpakita sa akin. Tingnan mo, Love naunahan na niya ako. Plano na rin namin ‘yan at dini-discuss na. Humahanap na lang ng timing. Kaya proud kami kay Jake. Hindi madali ang dinaanan niya. Maski kay Ice. Maraming sakripisyo ang gagawin. Gaya sa boses niya. Kasi, magkakaroon ng transition.”

Ang mga malalapit sa kanya sa press ang nag-alala sa pagpapalit ng mamamahala sa gobyerno, sakaling mapalitan siya bilang tagapamahala ng FDCP.

Mukhang napaghandaan na rin ito ni Chair Liza at ng kanyang team. Alam niyang may maiiwan siyang kakayaning ipagpatuloy ang nasimulan at pinalaganap niya sa loob ng anim na taon.

Nakatapos na pala si Chair ng kursong kinuha niya sa Harvard University online na Executive Leadership. 

At sa lovestory naman nina Vice Ganda at Ion Perez eh, naka-relate raw sila ni Ice.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …