Saturday , November 16 2024
Gun Fire

Sa Navotas
MANGINGISDA, ESTUDYANTE, SUGATAN SA PAMAMARIL

SUGATAN ang isang mangingisda nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek habang tinamaan ng ligaw na bala ang 18-anyos babaeng estudyante sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kapwa nasa ligtas na kalagayan sa Navotas City Hospital (NCH) ang mga biktimang sina John Jimenez, 19 anyos, residente sa E. Nadela St., Brgy. Tangos, tinamaan ng bala sa kaliwang bahagi ng dibdib; at Rhealyn Cahutay, estudyante, residente sa A. Cruz St., sa naturang barangay na nahagip ng ligaw na bala sa kaliwang balikat.

Sa ipinarating na ulat ni P/SSgt. Levi Salazar kay Navotas City police chief P/Col. Dexter Ollaging, dakong 7:30 pm nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Roldan St., Brgy. Tangos South.

Naglalakad ang biktimang si Jimenez nang tutukan ng baril ng nakasalubong na lalaki.

Dahil sa takot, kumaripas ng takbo ang biktima ngunit hinabol siya at sunod-sunod na pinaputukan hanggang mahagip sa kaliwang dibdib.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek habang nasaksihan ni Cahutay ang pangyayari na nagkataong naglalakad din sa naturang lugar patungo sa isang tindahan hanggang mamalayan niyang may tama rin siya ng bala sa kaliwang balikat.

Sa pagsisiyast ng pulisya, wala silang nakitang basyo ng bala sa lugar na pinangyarihan ng pamamaril at wala rin mga nakakabit na surveillance camera na maaaring makatulong sa pagkakakilanlan ng suspek.

Inaalam ng pulisya ang motibo sa pamamaril habang patuloy na isinasagawang follow-up operation ng pulisya para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakadakip ng suspek. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …