Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mark Neumann

Mark Neumann financial adviser na

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGTATRABAHO na pala ang dating male star na si Mark Neumann bilang financial adviser sa isang insurance company. Siguro nga kung hindi man siya sinuwerte sa kanyang career bilang artista baka naman sa bago niyang propesyon ay umasenso siya. Matagal na rin naman siyang hindi napapanood. Iyong kanyang last ay isang gay series na ipinalabas sa internet bago pa ang pandemic.

Nagsimula iyang si Mark sa TV5 at kahit na hindi siya ang grand winner sa kanilang talent search, iyong kanyang itsura at

malakas na personality ang mas napansin, kaya nga siya ang nabigyan

nang mas malaking break. Ginawa siyang bida sa remake ng isang Korea novela noon sa TV5, at kalaunan kinuha rin siya ng ABS-CBN at maging ng GMA. Pero noon ang sinasabi nga, basta na-in love siya nasisira rin ang diskarte niya sa kanyang career. Una siyang na-in love noon doon kay Pastillas girl na hindi rin naman tumagal. Tapos may naka-live in pa siya sa kanilang ancestral house sa Batangas. Ngayon may sinasabing partner ulit niya pero hindi rin sila kasal.

Sana magtagumpay na siya sa bago niyang propesyon, talagang mahirap makasingit sa showbiz ngayon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …