Saturday , November 16 2024
dead gun police

Kotse tinambangan sa Negros Occidental 3 patay, 1 sugatan

TATLO ang patay habang isa ang sugatan nang tambangan ang isang kotse sa Brgy. Palampas, lungsod ng San Carlos, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Linggo ng umaga, 20 Pebrero.

Kinilala ang mga napaslang na sina Andre Fajardo, 18 anyos; Russel Bucao, 40 anyos; at Rudy De La Fuente, 51 anyos; at ang nasugatang si Renante Chui, 27 anyos, dinala sa San Carlos City Hospital.

Nabatid, sakay ang apat na biktima ng isang puting Mazda sedan nang pagbabarilin sila ng apat na hindi kilalang mga suspek lulan ng hindi pa matukoy na sasakyan.

Ani P/Lt. Col. Jesus Mesahon, Jr., hepe ng San Carlos City Police Station (CPS), patuloy ang kanilang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin at ang motibo sa likod ng pamamaslang.

Dagdag niya, hinahanap pa nila ang mga posibleng nakasaksi sa insidente na naganap sa liblib na lugar na walang mga bahay sa paligid.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …