Saturday , November 16 2024
PNP QCPD

Sa buy bust ops
6 ADIK ARESTADO SA BALA’T BOGA

INARESTO ng Quezon City Police District (QCPD) ang anim na hinihinalang adik at tulak sa buy bust operation, kahapon madaling araw.

Kinilala ni QCPD Director, P/BGen. Remus Medina ang mga nadakip na sina Jomael Abdullah, alyas Muklo, 40 anyos, Carlos Tuliao, 56, Hervin Jainga, 49, at Mario Guballo, 49, pawang residente sa Certeza Compound, Brgy. Culiat, QC; Randy Balisado, 36, ng 5th Street, Brgy. Pasong Tamo, QC, at Bolkhia Macaundas, 24, nakatira sa AFP Road, Brgy. Holy Spirit, QC.

Ayon kay Holy Spirit Police Station 14 commander P/Lt. Col. Jeffrey Bilaro, pasado 1:00 am nang isagawa ang anti-illegal drug operation sa Certeza Compound, Brgy. Culiat, QC.

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang bumili ng shabu at nang magkaabutan ay inaresto ang mga suspek.

Nakuha mula sa anim ang 13 plastic sachet na naglalaman ng tig-15 gramo ng shabu, nagkakahalaga ng P102,000, kalibre .38, may limang bala gayondin ang buy bust money.

Nakapiit ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at paglabag sa RA10591 o ang Omnibus Election Code. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …