Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mula sa red-tagging
CYBER ATTACKS IWINASIWAS NG NTF-ELCAC VS MEDIA

HINDI katanggap-tanggap na ang isang task force na pinopondohan ng pera ng bayan ay sumusuporta at nagsusulong ng cyber attacks laban sa ilang news sites sa nakalipas na mga buwan.

“Cyber censorship has no place in a democracy. It is deplorable that a publicly funded task force supports and promotes cyber attacks on news sites,” pahayag ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) kasunod ng ulat ng Manila Bulletin noong 7 Pebrero 2022 na nakaranas ng cyber attack ang websites ng CNN Philippines, Rappler, at Philstar.com  ng grupong Pinoy Vendetta.

Anang NUJP, ang naturang pangkat ay pinuri ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at inengganyong mag-take down ng mas maraming websites.

Tatlong araw na magkakasunod, inatake rin ang websites ng Altermidya at Bulatlat.

Sa naturang linggo, sandaling nag-offline ang websites ng Inquirer.net at One News.

Batay sa forensic investigation ng Sweden-based Qurium Media Foundation, natuklasan na ang distributed denial of service (DDOS) attacks sa mga alternative media websites ay may kaugnayan sa Philippine Army, gamit ang infrastructure ng Department of Science and Technology (DOST).

Sinabi ng NUJP na kinompirna ng Department of Information and Communication Technology (DICT) na ang IP address na ginamit para sa “unauthorized vulnerability scan” ay itinalaga sa Philippine Army.

“While the recent cases of DDoS against a number of corporate media outfits have not been investigated yet, the timing and frequency raise our suspicion that the cyber attacks are orchestrated, systematic, and politically motivated,” anang NUJP.

Binigyan diin ng NUJP, naging malinaw na ang mga nasa likod ng cyber attacks ay takot sa katotohanan kaya’t nais nilang mawala ang news websites.

Nanawagan ang NUJP sa DICT at sa National Bureau of Investigation Cybercrime Division na busisiin ang mga nasabing insidente at ipatigil ang cyber attacks, tukuyin at panagutin ang mga nasa likod nito.

“We want to continue doing our duty to inform the citizenry; knowing that by doing so we aid them in their decision-making.”

Bago pa man naganap ang cyber attacks sa news websites ay naging pamoso ang ilang opisyal ng NTF-ELCAC sa red-tagging sa ilang media organizations at personalities. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Norzagaray Bulacan police PNP

Top 10 MWP sa Norzagaray, arestado sa kasong statutory rape

NAARESTO ng mga operatiba ng Norzagaray Municipal Police Station ang isang lalaki na nakalista bilang …

SM Sparklo Reverse Vending Machines

SM Introduces Sparklo Reverse Vending Machines to the Philippines for the First Time Ever

SM Supermalls and Sparklo executives formalize their partnership during the official launch of Sparklo’s reverse …

Dead body, feet

Sa San Ildefonso, Bulacan
Kargador natagpuang patay sa by-pass road

WALA nang buhay nang matagpuan ang isang manggagawa sa gilid ng bypass road sa bayan …

Police line do not cross

Sa Nueva Ecija
Bangkay ng mag-asawa itinapon sa irigasyon

NATAGPUAN ang mga labi ng matandang mag-asawa na halos limang araw nang nawawala na nakasilid …

P6.8-B shabu Speed boat Paluan Occidental Mindoro

Sa abandonadong bangka
P6.8-B shabu natagpuan ng mga sundalo

NADISKUBRE ng tropang militar ang P6.8-bilyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang abandonadong speedboat sa …