Saturday , November 16 2024
FDCP Film Ambassadors Night

FDCP magdaraos ng Gabi ng Selebrasyon para sa tagumpay ng mga Pelikulang Pilipino

MAGPUPUGAY ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa mga indibidwal na tinitingala sa industriya na nagpamalas ng galing at nagbigay-karangalan sa bansa mula sa kanilang mga pelikula  sa 6th Film Ambassador’s Night na gaganapin sa February 27, 2022 sa makasaysayang Manila Metropolitan Theater na muling binuksan para sa mga pagdaraos.

Taon-taon, pinararangalan ng Film Ambassador’s Night ang mga filmmaker na nakapagbigay-karangalan sa Pilipinas nitong nakalipas na taon, mga pelikulang lumahok at ipinalabas sa mga internasyonal na film festival.

Sa nakalipas na limang taong pagtitipon ng ilan sa mga pinakamaningning na bituin ng industriya ng pelikulang Pilipino ay nagkaroon na ang FDCP ng kabuuang 319 Film Ambassadors at hahaba pa ang listahan sa pagdaragdag ng 77 honorees mula sa mga nagkamit ng parangal sa mga film festival noong 2021.

It’s another year’s worth of victories with the best of the best Filipino films being recognized around the world, highlighting our cultural heritage in cinema over the years. As we have continued to reach altitudes on the global stage, we applaud each filmmaker who shares their talent, creativity, and passion to the world. We created this night to celebrate you,” pahayag ni FDCP Chairperson and CEO Liza Diño.

Itatanghal din sa taunang okasyon ang mga espesyal na pagpupugay ng gabi – ang Camera Obscura Award, ang pinakamataas na parangal ng FDCP na iginagawad sa mga filmmaker o pelikulang nagkamit ng katangi-tanging tagumpay (may dalawang tatanggap) at ang Gabay ng Industriya Award (Ilaw ng Industriya at Haligi ng Industriya), na ibibigay sa mga natatanging indibidwal na may kinikilalang kontribusyon sa kanilang buhay at larangan at naging mga iginagalang na haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino. Ang mga artistang pararangalan ay ibabahagi ng ahensiya sa mga darating na araw.

Isang mapanghamong taon ang 2021 para sa industriya ng pelikula dahil sa global pandemic na humadlang sa kasiglahan ng film distribution, on-ground events, at filming logistics. Sa patuloy na pagbangon ng pelikulang Pilipino, ang patuloy na pagtatamo ng mga pagkilala at parangal ng mga pelikulang Pilipino mula sa mga pinagpipitagang entablado ng mundo ay mga tagumpay na marapat ipagdiwang sa inaabangang okasyong ito.  

Ang 6th Film Ambassador’s Night ay isang eksklusibong event para sa honorees na gaganapin ngayong taon sa MET Theater — ang hiyas ng Maynila na nagdiriwang ng ika-90 anibersaryo ng pagkatatag, at ang siyang pinaka-akmang lunan para sa mahalagang kaganapang ito. Ang event ay gagawin nang may hybrid format at ipalalabas sa FDCP Channel sa mga susunod na araw.

Sa nakaraang taon, ipinagdiwang ang mga pelikulang Pilipino at mga filmmaker sa mga A-list international film festivals. Kabilang sa tatlong pinakamalaki ay ang mga sumusunod: John Arcilla para sa On the Job: The Missing 8Whether the Weather is Fine (Kun Maupay Man It Panahon) ni Carlo Franciso Manatad para sa napakaraming pagkilala nito sa mga pinakamalalaking international film festivals —74th Locarno Film Festivalsa Switzerland, Guanajuato International Film Festival sa Mexico, 46th Toronto International Film Festival (TIFF) sa Canada, at ang 52nd International Film Festival sa India. Nagbaon din ng mga parangal mula sa mga pangunahing film fests ng Asya ang Gensan Punchni Brillante Mendoza sa 34th Tokyo International Film Festival sa Japan, at dalawand award mula sa 26th Busan International Film Festival sa South Korea.

Narito ang ibang listahan ng   honorees ng Film Ambassador’s Night ngayong taon:

A-LIST CITATION

1. Count by Adjani Arumpac

2. Random People by Arden Rod Condez

3. Gunam-Gunam X Guni-Guni (Rumi X Phantasm) by Khavn De La Cruz

4. Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story produced by Rocketsheep

5. Excuse Me, Miss, Miss, Miss by Sonny Calvento

6. On The Job: The Missing 8 by Erik Matti

7. Arisaka by Mikhail Red

8. Payback (Resbak) by Brillante Mendoza

9. The Brokers by Daniel Palacio

10. How To Die Young In Manila by Petersen Vargas

11. Big Night! by Jun Robles Lana

12. Last Days At Sea by Venice Atienza

13. Love Is A Dog From Hell by Khavn Dela Cruz

SHORT FILMS

1. Here, Here by Joanne Cesario

2. The Visitor by Joey Agbayani

3. Venganza by Joey Agbayani

4. Harana by Marie Jamora

5. My House by Adam Dumaguin

6. Confession by Arjanmar Rebeta

7. Miss You, George! by Mark Moneda

8. Ang Lihim Ni Lea by Rico Gutierrez

9. Filipiñana by Rafael Manuel

10. Naiiba (Unique) by Rey Coloma

11. Bukal (Wellspring) by Jeffrey Smith “Epy” Quizon

12. Mga Salitang Inanod (Drifted Thoughts) by Gabriel Carmelo

13. Iamannika by Dan Verzosa

14. Mito Ng Maynila (Myth Of Manila) by Janus Victoria

15. Ora Miss Mo by Khent Cach

16. Ana Bikhayr  (Okay Lang Ako) by Hannah Ragudos

17. Bakpak by Carlos Dala

18. Silang Mga Naligaw Sa Limot by Vahn Pascual

19. How To Die Young In Manila by Petersen Vargas

20. Siil by Will Fredo

21. An Sadit Na Planeta by Arjanmar Rebeta

SHORT FILM ACTORS

1. Jek Jumawan for  Pas-An (Carried Burdens)

2. Frencheska Farr for Harana

3. Jeyrick Sigmaton for Dayas

4. Janice De Belen for Wounded Blood

DOCUMENTARIES—TV DOCUMENTARY

1. Fedelina: A Stolen Life by ABS-CBN’s DocuCentral

2. Miguel’s Wounds (Mga Sugat Ni Miguel) by GMA-7’s Reporter’s

3. 24 Oras: Special Coverage Of Typhoon Vamco (Ulysses) In GMA Network

SHORT DOCUMENTARY

1. To Calm The Pig Inside by Joanna Vasquez Arong

2. Maliit Na Hakbang by Richard Legaspi

3. Bullet-Laced Dreams by Kristoffer Brugada And Cha Escala

FULL-LENGTH DOCUMENTARY

1. A Thousand Cuts y Ramona Diaz

2. Sa Layag Ng Bangkang Paurong (The Boats That Sail Backward) by Mark Giddel Liwanag

3. Aswang By Alyx Ayn Arumpac

CREATIVE AWARDS

1. Eric Ramos for In The Name Of The Mother

2. Arlyn Dela Cruz Bernal for Ecq Diary (Bawal Lumabas)

ACTORS

1. Rogelio Balagtas for Islands

2. Kit Thompson for Belle Douleur

3. Elijah Canlas for Kalel,15

4. Snooky Serna for In The Name Of The Mother

5. Julio Cesar Sabenorio for Guerrero Dos, Tuloy Ang Laban

6. Janine Gutierrez for Dito At Doon (Here And There)

7. Cedrick Juan, Anna Luna and Noel Comia Jr for Gitarista (Guitarist)

DIRECTORS

1. Carlo Ortega Cuevas for Guerrero Dos, Tuloy Ang Laban

2. Carlo Francisco Manatad for Whether The Weather Is Fine (Kun Maupay Man It Panahon)

3. Maria Diane Ventura for Your Color (Deine Farbe)

4. Mcarthur Cruz Alejandre

FEATURE FILMS

1. Tagpuan (Crossroads) by Mcarthur Cruz Alejandre

2. Belle Douleur by Josabeth Alonso

3. In The Name Of The Mother by Joel Lamangan

4. Balangiga: Howling Wilderness by Khavn De La Cruz

5. Fan Girl by Antoinette Jadaone

6. Latay (Battered Husband) by Ralston Jover

7. Gitarista (Guitarist) by Jason Orfalas

8. Midnight In A Perfect World by Dodo Dayao

9. Metamorphosis By J.E. Tiglao

SPECIAL CITATION

1. Vice Ganda- Everybody, Sing! – ABS-CBN

About hataw tabloid

Check Also

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …