SA GITNA ng patuloy na pagbaba ng bilang ng nahahawa ng CoVid-19, hiniling ni House Deputy Speaker at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera sa Department of Transportation (DOTr) na palawigin ng anim na buwan ang bisa ng drivers license motor certificate of registration (CR) ng tricycle drivers at operators maging ang mga tsuper sa bansa.
Naunang nagpadala ng liham ang Pasahero and Riders Organization sa DOTr at sa Land Transportation Office (LTO) kung san hiniling ang pagpapalawig ng bisa ng mga lisensiya ng mga tsuper ng tricycle at jeepney.
Sa kasalukuyan, dalawang buwan lamang ang ibinigay na extension ng LTO sa mga mag-e-expire na lisensiya.
Hiniling ng grupo sa DOTr at LTO na repasohin ang panibagong patakarang ipinapatupad sa pagkuha at pagre-renew ng lisensiya maging ang “special fee” na sinisingil sa nga tsuper ng tricycle at jeepney.
Ani Herrera “these concerns are pressing” at kinakailangang “appropriate policy changes.”
“The Tatlong Gulong sector and jeepney drivers need these timely policy changes to help them cushion the impact of or slowly rise from the adverse financial effects of the lockdown and limited operations the past two years,” ayon kay Herrera. (GERRY BALDO)