Saturday , November 16 2024
Gun Fire

Tumanggi sa isinasanlang baril
NEGOSYANTE BINOGA NG KAPITBAHAY

SUGATAN ang isang negosyante matapos barilin ng kanyang kapitbahay makaraang tumanggi sa isinasanlang baril, Sabado ng umaga, sa Malabon City.

Isinugod sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang kinilalang si Joey Tullo, 43 anyos, residente sa Block 9C, Lot 25, Hiwas St., Brgy. Longos, ngayon ay nakaratay matapos isailalim sa operasyon sa tama ng bala sa kanang hita.

Tinutugis ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 5 sa pangunguna ni P/Lt. Mark Xyrus Santos ang suspek na si Ernesto Dayrit, nasa hustong gulang, residente rin sa naturang lugar makaraang tumakas matapos ang pamamaril.

Batay sa isinumiteng ulat nina P/SSgt. Jeric Tindugan at P/SSgt Michael Oben, may hawak ng kaso, kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, nakaupo sa harap ng kanyang tirahan ang biktima dakong 8:40 am nang dumating ang suspek at inalok na isangla sa negosyante ang kanyang hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Tumanggi ang biktima ngunit iginigiit ng suspek na isangla ang kanyang dalang baril hanggang mauwi sa pagtatalo ng dalawa.

Dito nagalit ang suspek at binaril ang biktima saka mabilis na tumakas, dala ang ginamit na armas.

Nasaksihan ng 64-anyos na si Nicanor Llena, kasama sa bahay ng biktima ang pangyayari kaya’t humingi siya ng tulong upang madala sa pagamutan ang negosyante. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …