Saturday , November 16 2024
nakaw burglar thief

P2-M alahas tinangay ng nag-iisang akyat-bahay sa QC

UMABOT sa halos mahigit P2 milyong halaga ng mamahaling alahas ang natangay ng nag-iisang akyat bahay na nanloob sa tahanan ng isang negosyante sa Quezon City, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) District Director, BGen. Remus Medina ang mga biktimang sina Richardson Chua Hernandez, 36 anyos, businessman, at live-in partner na si Shane Patiag Baredo, kapwa residente sa Brera St., Casa Milan, Brgy. Greater Lagro, Quezon City.

Sa report ni P/SSgt. Manuel Calampiano ng QCPD Pasong Putik Proper Police Station (PS-16) bandang 8:19 ng gabi, 13 Pebrero, nang looban ng nag-iisang ‘di kilalang lalaki, nakasuot ng orange t-shirt, nasa pagitan ng edad 25-30 anyos, may taas na 5’2, ang tahanan ng mga biktima sa nasabing barangay.

Batay sa imbestigasyon ni P/SSgt. Calampiano, nasa lobby ng kanilang tahanan ang mga biktima kasama ang kanilang pamilya at walang kaalam-alam na pinasok na sila ng akyat bahay.

Base sa CCTV footage, nakapasok ng bahay ang kawatan sa pamamagitan ng pag-akyat sa bintana ng banyo na nasa ikalawang palapag at mabilis na tinungo ang silid ng mga biktima saka nilimas ang mamahaling alahas na nasa closet.

Natangay ng suspek ang ang tatlong Rolex watch brand na nagkakahalaga ng P1,700,000, assorted gold jewellery at diamond ring, earing at necklace, may halagang P700,000, na umaabot sa P 2,500,000.

Masusi pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang kilalanin ang nakatakas na kawatan. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …