Sunday , December 22 2024
Bongbong Marcos Elections

Sa pagbasura ng Comelec sa DQ cases ni Marcos Jr,
SAMPAL KAY ‘JUAN DELA CRUZ’

MALAKING insulto kay ‘Juan dela Cruz’ ang desisyon ng First Division ng Commission on Elections (Comelec) na pumabor sa pagtakbo ng anak ng diktador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kahit paulit-ulit siyang hindi nagbayad ng buwis.

Ayon kay Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary-general Renato Reyes, Jr., ang naturang desisyon na nagsabing ang hindi pagbabayad ng buwis sa apat na magkakasunod na taon at hindi nagbayad ng multa sa nakalipas na dalawang dekada ay hindi malaking usapin at walang kaugnayan sa isyu ng moral turpitude ay sampal sa mga ordinaryong Filipino na sumusunod sa batas na kailangan magbayad ng buwis kada taon.

“The Comelec First Division’s ruling on the Marcos disqualification case favors repeated tax-evaders. It goes to fantastic lengths to aver that non-filing of tax returns for four straight years and non-payment of penalties for more than 2 decades, are not a big deal and not issues of moral turpitude,” ani Reyes.

“To say that non-filing of tax returns for 4 straight years is not inherently wrong is an insult to all citizens who dutifully file their tax returns and pay their taxes. The stretch that the Comelec had to do to allow Marcos to run is an insult to all Filipino taxpayers,” dagdag niya.

Batay sa hatol ng Comelec First Division na nilagdaan nina Commissioners Aimee Ferolino, bilang ponente, at Marlon Casquejo, kapos sa merito ang inihaing petisyon laban sa kandidatura ni Marcos, Jr., sa pagkapresidente sa 2022 elections.

“The failure to file tax returns is not inherently wrong in the absence of a law punishing it,” ayon kay Ferolino.

Isa si retired Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa mga umalma sa pasya ng First Division.

Para kay Guanzon, malinaw na sinadya ni Marcos, Jr., na lumabag sa batas sa apat na magkakasunod na taon na hindi nagbayad ng buwis.

“Ferolino argued that Marcos, Jr., did not voluntarily and intentionally violated the law. Is he stupid that he did not know that he should file an ITR? Doesn’t he claim to be an Oxford graduate? Why doesn’t he know something as basic as that?” ayon sa paskil ni Guanzon sa Facebook.

“His REPEATED failure to file his ITR and pay taxes for four years is an indicia that such failure was voluntary and intentional, a brazen disregard for the law,” dagdag niya.

“No doubt he was convicted of a crime involving moral turpitude.

Kaugnay nito, naniniwala si election lawyer, Buko dela Cruz na nagbigay daan sa mga bagong argumento ang desisyon ng First Division na kumatig sa presidential bid ni Marcos, Jr.

“Ang aking anggulong nakikita, sinabi po ng Comelec First Division na hindi saklaw si Sen. Bongbong Marcos noong panuntunan na nagpapataw ng perpetual disqualification dahil nag-take effect lamang ito noong Enero 1986 samantala ‘yung kanyang paglabag o hindi pagpa-file ng return ay nangyari bago itong 1986,” sabi ni Dela Cruz sa panayam kagabi sa Frontline Tonight sa News5.

“I think mayroong isang anggulo na puwedeng dalhin sa apela na doon sa limang dapat niyang i-file, mayroon doon na 1985 tax return, ang filing ay March 1986. So ‘yung isang iyon dahil March 1986 dapat finile ay covered na ng batas na may pataw na perpetual disqualification,” dagdag niya.

Binigyan diin ni Dela Cruz, isa pang magandang igiit ng petitioners ay ang resibo ng Landbank na iprinensenta ng kampo ni Marcos, Jr., bilang patunay na nagbayad ang anak ng diktador ng multang ipinataw ng Court of Appeals sa kanya.

Malinaw, aniya, sa batas na ang multang ipinataw ng korte sa hinatulan ay dapat bayaran sa korte mismo at hindi sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

“Talagang maliwanag ang batas at panuntunan na kapag ang multa ay ipinataw ng hukuman, ikaw ay magbabayad sa hukuman, sa court. The court kung saan nagpataw ng desisyon ng multa, hindi sa BIR, kundi doon sa korte. And may certification ang korte na walang pagbayad na nangyari roon sa korte,” paliwanag ng election lawyer.

“Ang tingin ko it’s not just a matter of appreciation but a presentation of evidence. Kung papaano ba ito iprenesenta. Kaya maaaring kapag ito’y nasa en banc baka maging iba ang basa kasi kung iyon pa rin ang magiging basa nila, talagang madi-dismiss ulit.”

“Iyon ang dalawang anggulo, bayad na ang multa at perpetual disqualification kasi kahit nagbayad ka na ng multa kung sakop pa rin ng perpetual disqualification, balewala pa rin ang pagbabayad ng multa,” paliwanag ni dela Cruz. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …