Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marc Cubales

Marc blessed ‘di nahirapan sa pagbuo ng Finding Daddy Blake

MA at PA
ni Rommel Placente

PINASOK na ng international model, producer, businessman at aktor na si Marc Cubales ang pagpo-produce ng pelikula.  Noong Lunes ng gabi ay inilunsad niya na ang kanyang media at film production company na MC Production House. Kasabay nito ang cast reveal ng kanyang unang pelikula na ipo-produce, ang Finding Daddy Blake, na ang magdidirehe ay si Direk Jay Altarejos, na siya rin ang sumulat ng script. 

Sa nasabing pelikula ay may important role si Marc. Gaganap siya bilang executive assistant ni Dexter Doria.

Ano ‘yung challenges na kinakaharap niya bilang isang movie producer?

Sagot ni Marc, “So far, everything had been quite easy. Kasi you see, this industry, the more na marunong kang makisama, the more na mas madali ‘yung iyong project, no  matter what.

“So ganoon ‘yung nangyayari sa akin ngayon.  I didn’t expect all the love and all the care that I’ve been getting right now. 

“Punompuno ng pagtutulungan ang film na ‘to, really. Actually, I don’t feel any pressure, eh.”

Pangungunahan ng  critically acclaimed actress na si Rita Avila ang Finding Daddy Blake kasama ang 2021 FAMAS, Gawad Tanglaw at Gawad URIAN Best Supporting Actress awardee na si Dexter, 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino Best Supporting Actor awardee Gio AlvarezFACINE International Film Festival Best Actor awardee Oliver AquinoRiverside International Film Festival (California,  USA) Best Actor awardee Carlos Dala, ang theater actor na si Jonathan Ivan Rivera at marami pang mapangahas na baguhang talents. 

Nagkaroon ng audition para sa ibang cast ng pelikula. ‘At ‘yung iba ay personal choice nina Marc at Direk Jay.

Actually, Carlos Dala, when we first met, he really wanted him to be part of this film. And we’re very lucky that he accepted our  offer.  

“And the other actors like Josh Ivan,tita Dexter and Miss Rita, pinili rin namin sila na maging part ng ‘Finding Daddy Blake’ because they’re really  good actors.”

Abangan ang Finding Daddy Blake sa iba’t ibang international film festivals, lokal na sinehan at iba pang global streaming platforms. Hatid ng MC Production House sa pakikipagtulungan ng 2076 Kolektib.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …