NAKITA naming muli ang dating sikat na matinee idol, medyo mataba na nga, mahaba ang buhok, may manipis na bigote na at ang hitsura ay malayo na kaysa noong panahon ng kasikatan niya. Nakatambay ang dating sikat na matinee idol sa isang coffee shop, mukhang lumamig na ang kape at hindi na nag-order ulit. Tinitingnan naman siya ng mga nagdadaang gays na para bang tinatantiya ang “presyo ng paninda.”
Maya-maya tumunog ang kanyang phone, may kinausap siya, at hindi nagtagal may humintong isang SUV sa harap ng coffee shop, tumayo na ang dating sikat na matinee idol at tuloy-tuloy na sumakay sa humintong SUV.
May inaabangan na pala talaga.