Saturday , November 16 2024
Guillermo Eleazar Sara Duterte

Senatoriable Eleazar, inendoso ni Inday Sara

MANANATILI pa rin kay Partido Reporma presidential candidate Senator Panfilo “Ping” Lacson si dating Philippine National Police (PNP) ngayon tumatakbong senador, Guillermo Lorenzo Eleazar.

Inihayag ito ni Eleazar makaraan siyang iendoso ni vice presidentiable Inday Sara Duterte ng UniTeam.

Kasabay nito, nagpasalamat si Eleazar kay Inday at aniya’y ikinararangal niya ang ginawang hakbangin ng presidential daughter.

Sa panayam kay Eleazar, nananatili pa rin sa kanyang puso ang motto ng Philippine Military Academy (PMA) – loyalty, integrity and courage. Si Eleazar ay kabilang sa Batch 1987 graduate mg PMA.

“Well, ako unang-una, graduate ako ng PMA so talagang ang motto ko ay courage, integrity and loyalty kasi ‘pag isa ang tinanggal mo marami ang maaapektohan pati ‘yung course ng trabaho mo, lumaki ako and for 38 years in service, we can say na puwede natin panghawakan,” anang dating PNP chief nang tanungin hinggil sa hindi pagsipot ng iba pang senatoriables sa proclamation rally ng Partido Reporma sa Imus, Cavite at nakita sa kabilang partido. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …