Sunday , November 17 2024
Guillermo Eleazar Vaccine

Ex-PNP Chief Eleazar:
ANAK PABAKUNAHAN

IMUS, CAVITE — Siya mismo ay kaka-recover lang sa CoVid-19 kamakailan, nagpahayag ng pag-asa si dating Philippine National Police (PNP) chief at Partido Reporma senatorial aspirant Guillermo “Guimo” Eleazar sa positibong turnout ng vaccine rollout para sa mga menor de edad mula 5-11 anyos, darami ang mga magulang na papayagang pabakunahan ang kanilang mga anak para sa proteksiyon laban sa severe acute respiratory syndrome-coronavirus 2 o SARS-CoV-2.

Inianunsiyo ng Department of Health (DoH) sa pagwawakas nitong Martes ng initial rollout ng CoVid-19 vaccination para sa mga menor de edad, hindi bababa sa 10,000 bata sa nabanggpit na age group ang nabakunahan at umaasa ang mga awtoridad na madaragdagan pa ang bilang sa susunod na mga araw at linggo.

“Maganda ng naging lagay ng bakunahan sa ating mga kabataan, five to 11 years old kahapon. Mayroon tayong 32 sites kung saan 9,784 bata ang nabakunahan natin kahapon,” wika ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire habang tumatanggap ng mga ulat at kinokompleto ng mga vaccination site ang pagbabakuna sa unang araw ng rollout.

Gaya nang napaulat, iisang kaso ang nagkaroon ng adverse reaction kasunod ng pagkakabakuna at dito nagkomento si Eleazar na indikasyon ito na ligtas ang mga bakuna at mapagkakatiwalaan ng publiko ang mga rekomendasyon ng ating health experts ukol sa pandemic response ng pamahalaan, partikular ang pagbabakuna ng buong populasyon para makamit ang proteksiyon laban sa malalang kaso ng CoVid-19.

“Ako na mismong dinapuan ng sakit kaya nag-isolate ako hanggang gumaling ako. Buti na lang bakunado na ako kaya hindi malala ang naging sakit ko. Patunay ito na kailangan nating magpabakuna para mabigyan tayo ng depensa laban sa severe na kaso ng Covid-19,” pinunto ng retiradong heneral.

Una rito, sinabi ng DoH na target nitong mapabakunahan ang mahigit 15 milyong kabataan na edad 5-11 anyos at sinang-ayunan ng dating PNP chief at dati rin commander ng Task Force Covid Shield ang kahalagahan at pangangailangan ng pagbabakuna sa lahat.

“Kailangan nating gawin ito kasi hindi na mawawala ang CoVid at bahagi na ng buhay natin bilang mga tao na magkaroon ng iba’t ibang sakit. We just have to learn how to live with it under the new normal so we have to be vigilant, cautious and responsible for each other’s health,” pagtatapos ng kandidatong senador. (TRACY CABRERA)

About Tracy Cabrera

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …