Sunday , November 17 2024
Manny Pacquiao
PROMDI presidential aspirant and incumbent senator Manny Pacquiao. (Larawan mula sa Twitter)

PROMDI bet Pacquiao nagsimula ng kampanya sa GenSan

GENERAL SANTOS CITY, SOUTH COTABATO  —Inilunsag kahapon, Martes, 8 Pebrero, ni Senador at Probinsya Muna Development Initiative (PROMDI) standard-bearer Emmanuel “Manny” Pacquiao ang kanyang presidential campaign sa kanyang bayan, sa General Santos City.

Sa schedule na inilabas ng kanyang kampo, sinabing magsisimula sa isang caravan, dakong 1:00 pm, saka susundan ng proclamation rally na magsisilbing campaign kickoff ng partido ni Pacquiao na PROMDI sa ganap na 3:00 pm.

Kahapon, 8 Pebrero, ang ang simula ng campaign period para sa pangulo, bise presidente, mga senador at kinatawan ng iba’t ibang party-list (PL) at magwawakas ito sa 7 Mayo 2022 o dalawang araw bago ang mismong araw ng halalan.

Isang araw bago nagsimula ang campaign period para sa eleksiyon 2022, pinangunahan ng Pambansang Kamao ang turnover ceremony ng isang housing project sa Mandaue City, na hinirang siyang kinatawan para sa mga mahihirap at walang tahanan.

Pinangunahan din ng PROMDI standard-bearer, na sinadyang gawing “battle cry” ng kanyang kandidatura ang pabahay para sa mahihirap, at groundbreaking ceremony ang isang community center na kanyang ipinagkaloob sa Barangay Subangdaku sa Mandaue.

Dito pinangalanan si Pacquiao bilang “Ambassador for the Homeless and Vulnerable” ng international philanthropic organization na Spring Rain Global (SRG).

Sa pagtanggap ng nasabing titulo, pinahalagahan ng Pinoy boxing icon-turned-senator kung paano makatutulong ang pribadong sektor para matugunan ang problema ng pabahay sa bansa ngunit idinugtong niya na ang suliraning ito ay mareresolba lamang ng pamahalaan — kung nanaisin nito — para magwakas ang kawalan ng matitirahan sa buong kapuluan.

“Gobyerno lang talaga ang may kakayahan na tapusin itong problema sa housing,” ani Pacquiao. (TRACY CABRERA)

About Tracy Cabrera

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …