HATAWAN
ni Ed de Leon
ANG talas talaga ng mga mata ng netizen. Isipin ninyo, sa dinami-dami ng mapapansin nila sa isang social media post ni Carla Abellana, ang napansin pa ay wala siyang suot na wedding ring? May tao ba naman, kahit na anong sarap pa ng kanilang pagmamahalan na hindi naghuhubad ng wedding ring kahit na minsan?
Abnormal naman iyon kung hindi man lang niya inaalis ang wedding ring niya. At dahil sa wala silang nakitang suot na wedding ring si Carla, lalong tumindi ang kanilang pinakakalat na Espekulasyon. May mga tao kasing hindi makapaghintay kung ano ang sasabihin ng mga may kinalaman mismo. Kung dumating ang isang araw at sabihin nilang mali ang tsismis ninyo, ‘di napahiya pa kayo.
Kami kasi, hindi kami naniniwala sa tsismis na hiwalay na ang mag-asawang iyan. Maaaring may tampuhan. Sino ba namang mag-asawa ang hindi dumaan diyan, pero hindi mo masasabing hiwalay na sila nang tuluyan.