Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun

2 sa 4 nanghodap sa gasolinahan, patay sa shootout

PATAY ang dalawa sa apat na nangholdap ng gasolinahan nang manlaban sa mga nagrespondeng awtoridad sa Novaliches, Quezon City, nitong Lunes ng madaling araw.

Sa ulat kay P/BGen. Remus Medina, ang mga biktimang hinoldap ng mga napaslang at dalawang nakatakas ay kinilalang sina Ramon Philip Velasco, 36, may asawa, cashier ng Uno Fuel Gas Station, at ang kaniyang pump attendant na si Paula Joy Ducat, 22, dalaga at residente sa TS Cruz Recomville, Brgy. 170, Caloocan City.

Habang inilarawan ang mga napatay na suspek na nakasuot ng black combination pink color na t-shirt, maong pants at red helmet, habang ang kasama naman niya ay nakasuot ng red jacket, black pants at may bonnet sa magkabilang kamay at armado ng baril.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), dakong 3:10 am nitong Lunes, 7 Pebrero, nang maganap ang enkuwentro sa kanto ng Doña Rosario at Doña Isaura streets, Novaliches Proper, Novaliches, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni P/Cpl. Christian Loyola ng CIDU, bandang 11:30 pm, abala ang mga biktima sa kanilang mga gawain sa UNO Gasoline Station sa Old Sauyo Road corner Ocean Park Subd., Brgy Sauyo, Novaliches, nang dumating ang apat na kalalakihan na sakay ng dalawang motorsiklo.

Agad tinutukan ng baril ang mga biktima at nagdeklara ng holdap saka mabilis na nilimas ang P8,718 cash ng gasolinahan, isang unit ng Vivo cellphone, at dalawang coin purse.

Nang makaalis ang mga suspek ay agad tumawag sa Novaliches Police Station PS4 ang mga biktima na agad nagresponde at naispatan ng mga awtoridad ang mga sinasabing holdaper sa kanto ng Doña Rosario at Doña Isaura Sts., Novaliches Proper, Novaliches.

Nang parahin ng mga awtoridad ay agad nagpaputok ng baril ang isa sa mga suspek dahilan upang gumanti ang mga pulis at nasapol ang dalawang holdaper habang nakatakas ang dalawa pa nilang mga kasamahan.

Positibong kinilala ng mga biktima ang mga napatay na suspek na siyang nangholdap sa kanilang gasolinahan.

Nasamsam sa crime scene ang 2 pistols, 7 fired cartridge cases, 2 cartridge, 1 Yamaha motorcycle at 2 plastic sachet ng shabu.

Masusing nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad habang tinutugis ang dalawa pang nakatakas na holdaper. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …