ITINAMPOK ng Philippine Sports Commission (PSC) si Gintong Gawad 2021 ‘Tagasanay ng Isport’ awardee Amihan Reyes-Fenis sa webisode ng Rise Up Shape Up nitong 5 Pebrero 2022.
Nagsilbi si coach Reyes-Fenis bilang FIG Brevet International Judge para sa rhythmic gymnastics. Inensayo rin niya ang nanalong gymnasts sa parehong national at international competitions at kinilala bilang outstanding coach noong 2011 Palarong Pambansa.
Nagmula sa itaas ng academic ranks, bilang Master Teacher, Department Chair, at naging DepEd Principal sa ilang public schools sa probinsiya ng Rizal.
Sinusuportahan ng PSC ang trabaho at pagpupunyagi ng sports coaches sa buong kapuluan dahil sila ang kaagapay sa training, developing, na pumapanday para lalong mapabuti ang kanilang potensiyal.
“The presence of inspiring women in grassroots sports help in PSC’s work with local communities in developing sports excellence and producing top-performing national athletes,” pahayag ni PSC Women in Sports oversight Commissioner Celia H. Kiram.
Ang ‘Tagasanay ng Isport sa Komunidad’ award ay ipinagkakaloob sa coach at teacher na ang pagpupunyagi at inisyatiba ay nagbubukas ng pinto sa pag-asa at oportunidad para sa bawat kabataan na magpakita ng buti sa sports at buhay.
Ang Gintong Gawad ay isang national awards platform para kilalanin at magbigay ng pagkilala sa “ground-breaking, inspiring, notable, timeless, outstanding contributions to the promotion and development of women and sports at the grassroots level.”
Ibinibigay ng Gintong Gawad ang award sa Ina ng Isport, Babaeng Atleta, Modelo ng Kabataan; Babaeng Atletang may Kapansanan, Modelo ng Kabataan; Babaeng Tagasanay ng Isport; Babaeng Lider ng Isport sa Komunidad; Kaagapay ng Isports sa Komunidad; Produktong Pang-Isport na Natatangi at Makabago; at Proyektong Isport Pang-Kababaihan.