Saturday , March 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Wilbert Ross Boy Bastos

Wilbert Ross sumabak na rin sa paghuhubad

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI nagdalawang-isip si Wilbert Ross na tanggapin ang Boy Bastos ng Viva Films kahit may matitinding hubaran at lovescene siya sa pelikulang ito na pinagbibidahan din nina Rose Van Ginkel, Jela Cuenca, Andrew Muhlach, Bob Jbeili, at Rob Guinto.

Ani Wilbert, tinanggap niya ang project dahil nagustuhan niya ang kanyang karakter bilang si Felix Bacat Cabahug.

Inamin din niya na game na game siyang sumabak sa hubaran at pakikipag-love scene.

Noong nabasa ko ‘yung script, tinanggap ko ng buo ang karakter ni Felix Bacat kasi alam kong maganda ang project.

“Kinabahan ako sa mga sex scene bilang Felix at bilang Wilbert. Parang kinakabahan ang karakter ni Felix, kinakabahan din si Wilbert.

Sinabi pa ng Kapamilya actor-singer at songwriter na magpapakita siya ng kung ano-anong bagay.

Pero satisfied ako sa ginawa ko. Wala akong regrets dahil alam kong kailangan siya sa eksena.

“‘Yung mga nakitang paghuhubad, may purpose kung bakit ko ginawa, so walang reason para tanggihan ko ang ‘Boy Bastos,’” katwiran pa ni Wilbert na idinirehe ni Victor Villanueva ang pelikula at mapapanood na sa February 18.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

The Silent Noise

The Silent Noise Blue Carpet premiere dinumog

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ang star-studded blue carpet celebrity premiere ng bagong seryeng The Silent …

The Age Is Right Eat Bulaga

The Age Is Right ng Eat Bulaga click sa viewers

WALANG masyadong excitement ang bagong segment ng Eat Bulaga na The Age Is Right nang magsimula. Pero habang tumatagal …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …