SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
USAP-USAPAN ang walang keber at matapang na pagpapakita ni Paolo Gumabao ng kanyang ‘pagkalalaki’ sa isang eksena sa bagong handog na pelikula ng Viva Films, ang Silip Sa Apoy na idinirehe ni Mac Alejandre.
Pinatunayan ni Paolo na talagang palaban siya sa hubaran at matitinding love scene. Ginagampanan ni Paolo ang karakter ni Alfred, isang kapitbahay sa tabi nina Emma (Angeli Khang) at Ben (Sid Lucero) na sumisilip sa mga butas ng pader na nakakakita sa mga ni Ben kay Emma.
Naging malapit ang loob ni Alfred at Emma sa isa’t isa at nagkaroon ng sikretong relasyon.
Bukod sa pagpapakita ni Paolo, tiyak na maloloka rin ang manonood sa eskandalosong aktibidad na ginawa ni Paolo habang naninilip sa dingding at pinanonood ang pagse-sex nina Sid at Angeli.
Maging si Angeli ay hindi nagpatalo kina Sid at Paolo dahil may eksena siyang ikaloloka rin ng viewers.
Bukod sa mga sex scene may kuwento naman ang Silip Sa Apoy tulad ng iginiit ni Direk Mac noong virtual media conference. Hindi raw ito basta hubarang pelikula.
Napapanood na ngayon ang Silip Sa Apoy sa Vivamax.